Panalangin

Lyrics & Chords by: sarah jane colico

Dated: July 15, 2010

 

Intro: A- E- G –EM7

Part I

O hangin iyong payapain

Hagkan mo ang mga damdamin

Ang ihip mo’y dahan-dahanin

Mga nanlalamig iyong yakapin

 

O tubig nasa’n ka man

Iyong punan uhaw ng kalikasan

Ang agos mo’y aking susundan

Nang matahak ko tamang daan

 

O apoy ika’y magliwanag

Sa kadiliman ay walang mabitag

Ang lingas mo’y maging matatag

Magliwanag isip ng nababagabag

 

Chorus I

O daigdig ‘wag kang magsasawa

Sa aming lahat ikaw ang umunawa

Mula pagsilang at sa pagtanda

Hanggang wakas kami’y iyong dala.

 

Part II

O Amang makapangyarihan

Sa paglalakbay ay ‘wag akong iiwan

Patawarin ang nagawang kasalanan

Pagkukulang ko’y pinagsisisihan

 

Labis na saya’t galak ang nararamdaman

Tuwing pag-ibig mo’y nararanasan

Salamat ikaw ay papurihan

Sa hapis ako’y iyong dinadamayan

 

Chorus II

Sa pagsubok ng buhay ikaw ang kaagapay

Gawin mong masipag aking mga kamay

Mabuting puso ang siyang mataglay

Bigyang payapa at hustisya ang buhay

 

Coda

Mahirap at magulo man sa mundo

Tayo’y magpakabuting tao

Buhay nati’y sandal lamang ditto

Di pa huli ang lahat sa pagbabago

o-ooh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s