Crush Revelations – Puppy Loves

Nuong bata pa ako, nagkaron ako ng crush (matinding crush) sa mga lalaking pinsan ko pala. Hindi ko pa din alam kung ano ibig sabihin ng ‘pinsan’ nuon. Ang alam ko lang may gusto ako sa kanila at kinukwento ko sila sa mga kaklase ko. Kinikilig ako pag niloloko ako ng mga kaklase ko pero kunwari galit ako para hindi nila sabihin sa mga crush ko.

Una si kuya Tibo – una ko syang nakita nung nakagat ako ng aso at pasan ako ng mamay (lolo) ko. Naka-bike siya, lumapit samin at nagtanong kung napano ako. Grade 3 ako nuon. Tumatak na ang maamong mukha nya sa isip ko. Mahilig ako manuod at maglaro ng Prince and Princesses nuon. Mga manika at paper dolls. Iniisip kong siya ang aking prinsipe na magliligtas sa akin sa mumu at mag aalaga sakin. Gusto ko ang kanyang mga mata. Nagtataka ako kung bakit sa gwapo niya e binata pa din siya hanggang ngayon.

Sunod si kuya Gerald – malimit ko siyang makita sa school nuon. Grade 4 ako, Grade 5 siya. Halos magkatabi ang rooms namin pero nasa taas ng hagdan ang sa amin kaya tanaw sila sa bintana. Lagi kong hinahanap ang kanyang buhok na ulandes, may hati sa gitna at may bangs. Pag napunta ako sa ilaya para samahan ang itay magdalaw ng sakop niya bilang katiwala, nakikita ko siyang nagsisibak ng kahoy. Hinangaan ko ang kanyang sipag. Drummer din siya sa mini band at ako ay majorette. Gusto ko ang ngiti niya. Kakakasal lang niya.

Habang naaalala ko, naisip ko na ang aga kong ‘nagkagusto’ worse term ‘lumandi’. Buti na lang takot ako sa itay ko kaya hanggang gusto lang ako at hindi ako nagka boyfriend nuong estujante pa lang ako.

Nakakatuwa dahil may nakita ako sa facebook. Picture nila na magkasama. Kaya napasulat ako ng rebelasyong ito. Wala naman malisya kasi bata pa ako at bukod sa magpipinsan kami, isa lamang iyong nakakatuwang ala ala. Madami nagkaka crush sakin nuong bata pa ako, at swerte na ang mga lalaking naging crush ko na hindi ko pinsan, na ibubulgar ko mamaya.

Ito sila ngayon –  Kuya Gerald at Kuya Tibo (Roiland)

Image may contain: 2 people

LIST OF MY CHILDHOOD/OLD TIME CRUSHES: 

*Sila ay mga naging crush ko na Iglesia din.

  1. Isa din sa una kong naging crush, pinakamatagal kong naging crush – si kuya Emman. Cute na cute ako sa smile niya at gusto ko lagi marinig ang boses niya. Grade 3 ako nuon. Magkaiba kami ng school pero malimit kami magkasama sa kapilya. Tuwang tuwa ako pag nasali siya sa laro namin at kilig na kilig ako nuong naging magkalampi kami sa Touch ball. Lagi ako natataya at sine save niya ako. Alam ng mga kapatid at pinsan niya na gusto ko siya. Sobrang talino niya, masunurin at responsableng anak. Parang bata pa lang siya, matanda na siya mag isip. Simula nung malaman ko ang ibig sabihin ng salitang asawa, naging hiling ko na siya ang mapangasawa ko pag pwede na. Siya rin ang kaisa isang crush ko na sinabi ko sa pamilya ko. Nagulat ako dahil hindi nagalit ang itay nung nalaman niyang crush ko si Emman. Natuwa siya at naramdaman kong boto siya kaya lalo ko siya nagustuhan. Suplado man siya, alam kong isa pa din siya sa pinaka gentleman na nakilala ko. Wala akong balita kung may gf o nililigawan siya.
  2. Si Ka PJ, walang ibang nakakaalam pero kung sinoman makakabasa niyo ay malalaman na. Bata pa lang kami nung una kaming magkita. First time kong pumunta sa kapilya ng Batangas City, Grade 4 ata ako nuon kasama ang inay. Kalihim siya at habang naglalakad kami ng inay sa lobby papalapit sa kanila, nakatitig siya sakin at nakangiti. Madaming natutuwa sakin nung bata ako kaya normal sakin ang ngitian pero hindi ko makalimutan ang ngiti at titig niya sakin kahit bata pa ako at meron pang isang beses nung binhi na ako, iba talaga siya tumingin. Nahihiya ako pero sa totoo lang gusto ko makipag usap at itanong kung bakit ganun siya tumingin. Ang lakas ng dating niya. Moreno ang kulay niya. Binhi pa lang ako nuon at takot nga sa itay kaya umiiwas ako sa lalaki kasi nga ayaw ko magka boyfriend ng maaga. Hindi ko akalain na ministro na siya ngayon.
  3. Si Joseph, isa pa siya sa malimit tumitig at ngumiti sakin nuong bata pa ako – hanggang high school. Pero kahit kinikilig ako, ayaw kong isipin na may gusto siya dahil hindi naman niya ako kinakausap. Meron isang beses sa kapilya na buong pagsamba naka titig kami sa isat isa. Nasa koro siya at ako ay nasa kapulungan. Hindi ko alam kung MU yun. Basta ako hindi ko siya mangitian kasi naguguluhan ako at takot ako sa itay dahil bata pa ako at kelangan ko mag aral ng mabuti. Nadadaanan ko lagi ang bahay nila at malimit, nadun siya sa labas, nakatingin at nakangiti. Pogi at may pagka moreno din siya. May crush sa kanya si Pamela at dahil ayaw ko ng away, hindi ko maipagsabi na crush ko din si Joseph. Nakita ko na lang sa friendster nuon na may gf na siya. Isa na siyang pulis at pamilyadong tao ngayon.
  4. Si George, kaklase ko siya nung College. Iglesia din siya. Mabait at iba din ang dating. Naging magkatext kami. Stuart ang name nya sa cp ko. Akala ko aabot sa ligawan o posible maging kami, kaso siguro hindi niya talaga ako type at dahil lang sa Iglesia din ako kaya siya nakipagkaibigan. Naging gf niya kaklase namin na hindi INC at ngayon ay pamilyadong tao na din siya.

*Sila ay mga naging crush ko na hindi Iglesia

  1. Si Allan George, High school, moreno siya at masayahin. Gwapong gwapo ako sa kanya nuon at niloloko ako ng mga kaklase ko. Kaso patay na patay siya sa kaklase niya nuon at hindi ako palaayos nuon kasi nga wala pa sa isip ko ang magdalaga at magboyfriend. 2nd yr kami, 3rd yr sila.
  2. Si Potoy, 4th yr hs kami at 3rd yr sila. Kaklase siya ng kapatid ko. Iilan lang sa mga kaklase ko ang nakwentuhan ko pero ang cute cute nyang bata at mukhang napakabait. Sa surname siya tinatawag kahit ang ganda ng name niya. Ang ganda niya mag smile, kung babae siya mas maganda pa siya sakin at sa ibang babae. May gf na syang dancer.
  3. Si Jeffrey, kaklase ko siya nung high school. Ang tingin sa kanya bakla pero para sakin iba lang talaga siyang magsalita. Pero sa pagtrato niya sa babae, para sakin isa siyang lalaki. Palabiro at matatag na tao. Mapagmahal na anak at may tiwala sa sarili. Magulo lang siya kausap minsan pero maalagang kaibigan. May iba siyang gusto na kaklase din namin. Madami na siya naachieve sa buhay.
  4. Si Godoy, mabilis ko lang siya naging crush. Pogi siya kaso malambot talaga at ang hinhin ng ngiti niya. Madaldal siya at nakakatuwang kasama. Isa na siyang konsehala sa brgy nila.
  5. Si Agner, galing niya kumanta at malakas din ang dating. Kaso patay na patay din sa ibang babae. Hindi kami naging magkaibigan man lang nung college.
  6. Si King, para sakin bagay sa kanya ang palayaw niya. Ang pogi niya at iba din siyang tumingin. Bad boy ang tingin sa kanya pero mabait naman at tingin ko nuon kelangan niya talaga ng pagmamahal. Sa hitsura niya naisip kong madaming babae ang magmamahal sa kanya at nakakaintimidate ang ate niya na teacher namin kaya hindi ako masyado makagawa ng move para maging kaibigan siya. Pamilyado na siya ngayon.

*Ito naman mga old time crushes ko na sikat na hindi na kailangang ipaliwanag kung bakit ko naging crush:

  1. Karl Malone ❤
  2. Channing Tatum
  3. Johnny Depp
  4. Leonardo DiCaprio
  5. Jericho Rosales
  6. Joseph Marco
  7. Arron Villaflor

Meron din akong mga naging crush sa school at kapilya na hindi ko alam ang pangalan. Kung bakit malakas ang loob kong isulat at ilahad ang mga ito, ay dahil nakakatuwang alalahanin ang mga kilig moments nung kabataan. Kahit sabihin niyong wala kayong pakialam sa mga naging crush ko, bakit niyo pa binasa wala namang pilitan ang pagbasa nito. Walang masamang  bumalik sa pagkabata, maging mababaw at tumawa. Dadating ang panahon na maaaring makalimutan ko sila. Ang mga lalaking pumukaw ng aking damdamin mula sa murang edad. Ang paglalahad na ito ay katunayang isa akong normal na babae na nakakaramdam, nagkakagusto, kinikilig, umaalala at nagmamahal.

#BEBOLD

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s